Hinamon kahapon ng nagbabalik na Alkaldeng si Mayor Lito Atienza Si Manila Mayor Alfredo Lim na magdemanda na lamang kung may ebidensya siya laban sa kanya kaugnay sa paratang nito na nagbenta siya ng lupang pag aari ng lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Atienza na dapat ng tumigil si Lim sa kanyang mga propaganda na puro kasinungalingan lamang at mga walang kwentang isyu laban sa kanya tulad ng pagbebenta ng lupa.
Nilinaw ng nagbabalik na Alkalde na ginamit na umanong isyu ni Lim ang nasabing usapin noong 2007 pa subalit kung totoo umano ang sinasabi nito at may pruweba sila sanay ay idinemanda na siya ng mga ito noon pa.
" Hinahamon ko sila na magdemanda, para magkaalaman na kasinungalingan na naman ang mga issue na ito. Ngayon, kung ayaw nilang magdemanda, simple lang alam nilang walang katotohanan ang sinasabi nila at kasinungalingan lang lahat ito"ayon pa kay Atienza.
Pinayuhan na lamang ni Atienza si Lim na manahimik na lang dahil sa ang totoo umano ito sila ang nangurakot at sila rin ang maraming dapat ipaliwanag sa Manileno tulad ng paluging pagbebenta ng Century Park hotel kung saan ang mismong abogado ni Lim na si AttyM Rey Bagatsing ang siyang nagsampa ng kasong graft sa Ombudsman.
" Sila ang maraming kaso. Sila ang nakademanda at dapat magpaliwanag sa korte dahil sa patong patong na kasong katiwalian",ayon kay Atienza.
Naniniwala naman ang nagbabalik na Alkalde na matatalino ang Manileno at alam ng mga ito kung sino ang nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo kayat kahit ano pa ang paninirang gawin sa kanya ay hindi agad maniniwala ang mga ito.
Kasabay nito nanawagan din si Atienza sa Manileno na bantayan si Lim at mga opisyal nito dahil sa baka maging ang City Hall ay ibenta na rin ng mga ito lalo na ngayong nalalapit na ang pagbaba nila sa pwesto.

No comments:
Post a Comment